ANG PIPIT
By: Levi Celerio
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog
Ngunit parang taong bumigkas,
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko
May isang pipit na iiyak!"
May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog
Ngunit parang taong bumigkas,
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko
May isang pipit na iiyak!"
Teoryang
Ginamit sa Pag-analisa:
Sikolohiya
(Psychological Analysis)
Ang konseptong sikolohikal ay
sumusuri sa kamalayan ng may-akda.
Pinanghahawakan nito ang paniniwala na ang panitikan ay sumasalamin sa
buhay ng isang tao (Songs About Life, 2011).
Ginagamit rin ito
upang ipaliwanag ang panitikan bilang representasyon ng kaugalian ng tao.
Maaari ding gamitin ang ganitong mga kaalaman sa pagsusuri sa maaaring
kahulugan ng tula o nobela (Reyes,1997).
Pag-analisa
sa tula/kantang napili:
Ang Ang Pipit ay isang Filipinong awitin ni Levi Celerio na tungkol sa
ibon na kung tawagin ay pipit. Ang pipit ay uri ng ibon na nanggaling sa
pamilya ng Motacillidae. Sa awit na
ito, isang ibon ang nadisgrasya dahil sa pagkakapana marahil sa kanya ng isang
mama. Nabanggit sa unang taludtod na may tumama(pumukol) sa pipit na nasa sanga
ng isang kahoy. Hindi na makalipad muli ng maayos ang ibon dahil sa sobrang
sakit ng pagkakatama sa kanya ng pana. Nabanggit sa mga susunod pang taludtod
na nahulog ang ibon, hanggang sa inihalintulad ito sa isang tao na kung
magsasalita ay sasabihin ang mga katagang:
"Mamang
kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag, kapag pumanaw ang buhay ko,
may isang pipit na iiyak!"
Ang awit na ito ay isang pagwawangis
(allegory/metaphor).
Marahil ay magtataka ang marami kung
bakit inihalintulad ang ibon sa isang tao na nagsalita(bumigkas) ng mga
katagang nabanggit. Isa itong pang-agaw atensyon sa awit na ito. Gamit ang
sikolohikal na konsepto ng pag-aanalisa ng tula, ang isang sitwasyon ay
sumasalamin sa buhay ng isang tao kung saan habang siya ay buhay pa, patuloy
siyang sinasaktan ng kanyang kapwa, ngunit kapag ito ay pumanaw na, kung kailan
huli na ang lahat, ay malulungkot at iiyak na lamang ang kapwa taong nanakit.
Kung kailan huli na ang lahat ay doon na lamang ang hustong pagsisisi sa
nagawang kamalian. Bakit kaya ganoon ang isang tao? Ang old sinful nature na siguro ng tao ang makapapagpaliwanag.
Mga Pinagmulan (Sources):
Ang
Pipit. [Online Image]. (2013). Retrieved March 05, 2014 from
http://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&docid=vSfzTPKsZdrYHM&tbnid=DdPSyaq_7_HDM:&ved=0CAUQjRw&url=http%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3DGCpN8l_sWKQ&ei=-7cWU4_1GsjYige78oG4BQ&psig=AFQjCNFqKpMzPU1Vds6LK_MRw-6hbH9Akw&ust=1394084215483183
Tagalog: Songs About Life. (2011).
Retrieved from http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/Tagalog%20Songs/tagalog_mundane_songs.htm
Reyes,
S. (1997). Pagbasa ng Panitikan at
Kulturang Popular. Quezon City: Ateneo De Manila Univeristy Press