Miyerkules, Marso 5, 2014

ANG PIPIT




http://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&docid=vSfzTPKsZdrYHM&tbnid=DdPSyaq_7_
HDM:&ved=0CAUQjRw&url=http%3A%2F%2F
www.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3DGCpN8l_sWKQ&ei=-7cWU4_1GsjYige78oG4BQ&psig=AFQjCNFqKpMzPU1Vds6LK_MRw-6hbH9Akw&ust=1394084215483183


ANG PIPIT

By: Levi Celerio

May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy
At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon
Dahil sa sakit, di na nakaya pang lumipad
At ang nangyari ay nahulog
Ngunit parang taong bumigkas,
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag,
Pag pumanaw ang buhay ko
May isang pipit na iiyak!"





Teoryang Ginamit sa Pag-analisa:

Sikolohiya (Psychological Analysis)
            Ang konseptong sikolohikal ay sumusuri sa kamalayan ng may-akda.  Pinanghahawakan nito ang paniniwala na ang panitikan ay sumasalamin sa buhay ng isang tao (Songs About Life, 2011).
Ginagamit rin ito upang ipaliwanag ang panitikan bilang representasyon ng kaugalian ng tao. Maaari ding gamitin ang ganitong mga kaalaman sa pagsusuri sa maaaring kahulugan ng tula o nobela (Reyes,1997).


Pag-analisa sa tula/kantang napili:

            Ang Ang Pipit ay isang Filipinong awitin ni Levi Celerio na tungkol sa ibon na kung tawagin ay pipit. Ang pipit ay uri ng ibon na nanggaling sa pamilya ng Motacillidae. Sa awit na ito, isang ibon ang nadisgrasya dahil sa pagkakapana marahil sa kanya ng isang mama. Nabanggit sa unang taludtod na may tumama(pumukol) sa pipit na nasa sanga ng isang kahoy. Hindi na makalipad muli ng maayos ang ibon dahil sa sobrang sakit ng pagkakatama sa kanya ng pana. Nabanggit sa mga susunod pang taludtod na nahulog ang ibon, hanggang sa inihalintulad ito sa isang tao na kung magsasalita ay sasabihin ang mga katagang:
"Mamang kay lupit, ang puso mo'y di na nahabag, kapag pumanaw ang buhay ko, may isang pipit na iiyak!"

            Ang awit na ito ay isang pagwawangis (allegory/metaphor).

            Marahil ay magtataka ang marami kung bakit inihalintulad ang ibon sa isang tao na nagsalita(bumigkas) ng mga katagang nabanggit. Isa itong pang-agaw atensyon sa awit na ito. Gamit ang sikolohikal na konsepto ng pag-aanalisa ng tula, ang isang sitwasyon ay sumasalamin sa buhay ng isang tao kung saan habang siya ay buhay pa, patuloy siyang sinasaktan ng kanyang kapwa, ngunit kapag ito ay pumanaw na, kung kailan huli na ang lahat, ay malulungkot at iiyak na lamang ang kapwa taong nanakit. Kung kailan huli na ang lahat ay doon na lamang ang hustong pagsisisi sa nagawang kamalian. Bakit kaya ganoon ang isang tao? Ang old sinful nature na siguro ng tao ang makapapagpaliwanag.


           



Mga Pinagmulan (Sources):

Ang Pipit. [Online Image]. (2013). Retrieved March 05, 2014 from
http://www.google.com.ph/url?sa=i&rct=j&q=&esrc=s&source=images&cd=&cad=rja&docid=vSfzTPKsZdrYHM&tbnid=DdPSyaq_7_HDM:&ved=0CAUQjRw&url=http%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3DGCpN8l_sWKQ&ei=-7cWU4_1GsjYige78oG4BQ&psig=AFQjCNFqKpMzPU1Vds6LK_MRw-6hbH9Akw&ust=1394084215483183


Reyes, S. (1997). Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Quezon City: Ateneo De Manila Univeristy Press


2 komento: